^

PSN Palaro

SBP maninigurado bago isabak si Blatche sa OQT

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Titiyakin ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na nasa tamang porma si naturalized pla­yer Andray Blatche bago sumabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo 5 hanggang 10 na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakdang duma­ting si Blatche sa Mayo 15 upang makasama ang iba pang miyembro ng Gilas Pilipinas sa training camp.

Inatasan ng SBP si Christopher Thomas na bantayan ang kundisyon ni Blatche.

Isang espesyal na prog­rama ang ibibigay ni Thomas kay Blatche para masiguro na handang-handa ito sa usaping pisikal at mental para sa Olympic qualifiers.

Magugunitang wala sa porma si Blatche nang mag­laro ito sa FIBA Asia Championship na ginanap sa Changsha, China noong nakaraang taon.

Mayroon lamang itong average na 17.8 points, 9.2 rebounds at 1.2 assists sa naturang torneo ngunit nagawa pa rin ng Gilas Pilipinas na makuha ang runner-up trophy sa likod ng  nagkampeong Chinese squad.

Bahagyang malayo ito sa kanyang 21.1 points, 13.8 rebounds at 1.6 assists noong 2014 nang maglaro ang Pilipinas sa FIBA World Cup sa Spain.

Huling naglaro si Blatche noong Pebrero 3 para sa Xinjiang Flying Tigers sa Chinese basketball league kung saan mayroon itong average na 23.3 points, 10.4 rebounds at 4.0 assists - isang ma­gandang indikasyon na nasa magandang estado ang dating NBA player.

Makakasama ni Blat­che sa training camp sina Matt Ganuelas-Rosser, Ranidel de Ocampo, Ryan Reyes,Moala Tautuaa, Jayson Castro, Troy Rosario, LA Tenorio, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Calvin Abueva, Terrence Romeo, Marc Pingris, Kiefer Ravena, Kevin Ferrer, Mac Belo, Roger Pogoy, Ru­ssell Escoto at Bobby Ray Parks Jr.

Pakay ng Gilas Pilipinas na makahirit ng tiket sa 2016 Olympic Games na gaganapin sa Rio de Janeiro, Brazil sa Agosto.

Tanging ang magkakampeon lamang sa Manila Olympic Qualifying ang mabibiyayaan ng silya sa Rio Olympics.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with