Volley Masters umiskor sa Braganza sa Quezon City Pride Cup
MANILA, Philippines – Bagama’t naisuko ang first ay hindi nawalan ng loob ang Instituto Estetico Manila (IEM)-A mula para kunin ang come-from-behind 22-25, 25-22, 35-33 wibn kontra sa Braganza sa pagsisimula ng 1st Quezon City Pride Volleyball Cup kahapon sa Amoranto Stadium.
Kumampanya sa men’s division ng Philippine Superliga (PSL), natalo ang Volley Masters sa opening set bago pitasin ang sumunod na dalawang frame para sa kanilang unang panalo sa two-day meet na inorganisa ng Sports Core at ng Quezon City government para sa mga miyembro ng LBGT community.
Si Quezon City Councilor Mayen Juico ang gumawa ng opening remarks kasama sina Vice Mayor Joy Belmonte, councilor Onie Belmonte, PSL chairman Philip Ella Juico at PSL commissioner Ian Laurel.
“We hope that this tournament brings out the best in all the participants,” wika ni Juico, ang nagpasimula sa gender equality ordinance ng lungsod. “This is just part of our gender fair ordinance which aims for the human development of all, not just the LBGT.”
Inasahan ng EIM-A sina Alex Goyal, Michael Aranzamendez at Reyvic Cerilles sa deciding set para talunin ang Braganza.
Samantala, nagposte naman ng dalawang panalo ang IEM-B.
Bumandera sina Rimney Morales at Edward Arroyo para tulungan ang koponan sa 25-14, 28-26 paggupo sa Stallion at pagpapabagsak sa Pink Warriors, 25-13, 25-16.
Ang iba pang nanalo sa unang araw ng torneo ay ang Sesahood laban sa Competitive Volleyball Group, 25-21, 25-12; ang Pink Warriors C kontra sa Pink Warriors B, 25-14, 25-19; at ang Joan’s Angels na nagwagi sa Pink Warriors A, 25-13, 25-16.
- Latest