^

PSN Palaro

Puwesto sa semis nakataya sa Tigresses, Lady Tamaraws

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  Ateneo vs NU

3 p.m.  UST vs FEU

 

MANILA, Philippines - Walisin ang quarterfinals ang hanap ng Ateneo habang puwesto sa Final Four ang pag-aagawan ng FEU at UST sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Lady E­agles ang  NU Lady Bulldogs sa ganap na alas-12:45 ng hapon at ikapitong sunod na panalo para kapitan ang number one spot papasok sa semifinals ang nakataya sa Ateneo.

May 5-1 baraha ang NU at pasok na rin sa susunod na yugto pero  nais ng koponan ni coach Roger Gorayeb na putulin ang pananalasa ng Lady Eagles para tumaas pa ang kumpiyansa ng mga manlalaro sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Tiyak mainitan na bak­bakan ang mapapanood sa ikalawang laro sa alas-3 ng hapon dahil ang magwawagi sa nagdedepensang kampeon Lady Tamaraws at Tigresses ay aabante na sa semifinals.

Magkasalo ngayon ang FEU at UST sa 4-2 karta at ang matatalo ay kaila­ngang maghintay sa resulta ng labanan sa pagitan ng Arellano Lady Chiefs at St. Be­nilde Lady Blazers sa pagtatapos ng yugto bukas para malaman kung ma­ngangailangan pa ng playoff.

May 3-3 karta ang Lady Chiefs at kung manalo sila ay makakatabla nila sa 4-3 ang matatalo sa UST at FEU.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO

COLLEGIATE CONFERENCE

FINAL FOUR

HOME ULTERA

LADY

LADY BLAZERS

LADY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with