^

PSN Palaro

James ‘di nakaporma kay Harden Rockets isinalba vs Cavs

Pilipino Star Ngayon

HOUSTON – Patuloy ang pagtatala ni James Harden ng mga MVP-caliber numbers ngayong season para sa Rockets.

Umiskor si Harden ng 33 points at naimintis ni Cleveland star LeBron James ang dalawang free throws sa natitirang 4.2 segundo sa overtime na nagresulta sa 105-103 panalo ng Rockets kontra sa Cavaliers.

Sinabi ni Harden na ang kanyang performance ay walang kinalaman sa MVP award.

“Every game is a statement for me,” wika ni Har­den, pinamumunuan ang NBA sa scoring.

Iginiya ni Harden ang Rockets sa limang sunod na panalo para sa kanilang 41-18 record at naging third seed sa Western Confe­rence bagama’t hindi nagla­laro si star Dwight Howard dahil sa knee problem.

Nagsalpak si James ng isang 3-pointer sa huling 43.5 segundo para ilapit ang Cleveland sa isang puntos.

Nagkabuhol sina Har­den at James sa sumunod na posesyon ng Houston ngunit walang itinawag na foul sa pagkaubos ng shot clock.

Sumalaksak si James at nakakuha ng foul kay Josh Smith, subalit nai­mintis ang dalawang free throws para tumapos na may 3 for 11 sa charity line.

Sa Boston, tumipa si Stephen Curry ng 37 points at binura ng Golden State Warriors ang 26-point deficit para talunin ang Boston Celtics, 106-101.

Ito ang pang-pitong panalo ng Golden State sa nakaraang siyam na laro para sa kanilang league-best record na 46-11.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 20 para sa Warriors, habang nagdag­dag si Harrison Barnes ng 17 at kumolekta si Draymond Green ng 11 sa kanyang 14 points sa fourth quarter.

Kumamada si Isaiah Thomas ng 20 points mula sa bench para sa Boston, nagwakas ang three-game winning streak.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Los Angeles Clippers ang Chicago Bulls, 96-86; pinatumba ng Portland Trail Blazers ang Sacramento Kings, 110-99; dinaig ng Indiana Pacers ang Philadelphia 76ers, 94-74; pinayuko ng Charlotte Hornets ang Orlando Magic, 98-83; giniba ng Oklahoma City Thunder ang Los Angeles Lakers, 108-101; at ginulat ng New Orleans Pelicans ang Denver Nuggets, 99-92.

vuukle comment

BOSTON CELTICS

CHARLOTTE HORNETS

CHICAGO BULLS

DENVER NUGGETS

DRAYMOND GREEN

DWIGHT HOWARD

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with