^

PSN Palaro

Gasol bumandera sa panalo ng Bulls

Pilipino Star Ngayon

CHICAGO – Malusog at komportable na si center Pau Gasol.

Sinabi rin ng 34-anyos na veteran makakatalon siya ng mas mataas matapos ang kanyang problema sa tuhod.

At tila maganda ang kan­yang season para sa Chicago Bulls.

Humakot si Gasol ng 29 points, 16 rebounds at 5 blocked shots para bande­rahan ang Bulls sa 109-104 overtime win laban sa Boston Celtics.

“The last couple years, I had issues with my knees. I couldn’t really jump as much as I’m jumping now,” wika ni Gasol, naglista ng career-high na 9 blocked shots sa nauna niyang laro. “Not that I’m jumping super high, maybe an inch more.”

Ito ang ika-17 double-double ni Gasol sa una niyang season para sa Bulls.

Nagdagdag si Aaron Brooks ng 19 points para sa Bulls (24-10) na naipana­lo ang siyam sa kanilang hu­ling 10 laban.

Umiskor naman sina Taj Gibson at Derrick Rose ng tig-12 points.

Humugot si Evan Tur­ner ng 24 sa kanyang 29 points matapos ang halftime, ngunit nalasap pa rin ng Boston ang 2-6 record ma­tapos ibigay si Rajon Ron­do sa Dallas noong Dis­yembre 18.

Nagtala si Avery Bradley ng 17 points para sa Celtics (11-20).

Naglaro ang Bulls nang wala sina starters Jimmy Butler (bereavement leave) at Mike Dunleavy (right ankle).

Ang agaw ni Rose ang nagresulta sa basket ni Gasol para sa 103-99 abante ng Chicago sa 2:21 minuto sa overtime.

Ang dalawang free throws ni Gasol at layup ni Rose ang nagbigay sa Bulls ng 107-103 abante sa huling 24.8 segundo.

Sa Houston, gumawa si James Harden ng 28 points, habang may 23 si Dwight Howard para tulu­ngan ang Rockets sa 115-79 paggupo sa Miami Heat.

Sa Portland, tumipa si Paul Millsap ng 27 points para pamunuan ang Atlanta Hawks sa 115-107 pa­nalo laban sa Trail Blazers.

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Hawks.

Nag-ambag si Jeff Teague ng 22 points para sa Atlanta na may 11-5 re­cord sa kanilang mga road games.

Sa San Antonio, kuma­mada si Cory Joseph ng 19 points at nalampasan ng Spurs ang maagang ratsada ng Wizards, 101-92, para sa kanilang ika-17 sunod na pagdomina sa Washington.

Nagdagdag si Tiago Splitter ng 16 points, habang may 15 si Patty Mills at 14 si Boris Diaw para sa pamamayagpag ng mga role players ng San An­to­nio.

Tumapos si Manu Gi­nobili na may 5 points ka­su­nod ang 4 markers ni center Tim Duncan.

vuukle comment

AARON BROOKS

ATLANTA HAWKS

AVERY BRADLEY

BORIS DIAW

BOSTON CELTICS

GASOL

PARA

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with