^

PSN Palaro

Pacquiao nakadama ng awa kay Algieri

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MACAU – Nakaramdam ng habag si Manny Pacquiao kay Chris Algieri sa sinapit nito nang nagtuos sila noong Linggo sa Cotai Arena sa Venetian Hotel dito.

Anim na beses na bu­magsak ang mas malaking si Algieri sa kamao ni Pacquiao tungo sa unanimous decision panalo.

Sa ikalawang round pa lamang ay bumagsak na si Algieri pero marami ang naniwalang dumulas lamang ito.

Pero ang dalawang bagsak sa ikaanim at ikasiyam na round bukod sa isa pa sa ika-sampung round ay mula sa suntok ni Pacquiao.

“I pitied him because I knew he was trying and giving his best. Pero inexperienced pa talaga. Naawa ako sa kanya kasi alam mo he did his best,” pahayag ni Pacquiao.

Nakita niya ang kakula­ngan ng karanasan ni Al-gieri sa itinugon nito kapag aamba ng suntok ang WBO welterweight champion.

“Aamba pa lang ako nag-cover na siya. If you’re an experienced fighter, you go for the counter. Kulang pa sa experience pero naisabak agad,” dagdag ni Pacman.

Kung ang ipinakita niya sa laban ang pag-uusapan, kontento ang Kongresista ng  Sarangani Province dahil naroroon uli ang dating kinatatakutan na killer’s instinct.

“Every round I looked for the knockout. My killer instinct was there,”

Si Pacquiao kasama ang kanyang buong pamilya at mga bisita, ay umalis ng Macau kahapon ng ala-1 ng hapon pabalik ng Manila.

vuukle comment

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

PACQUIAO

PERO

SARANGANI PROVINCE

SI PACQUIAO

VENETIAN HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with