^

PSN Palaro

Tinambakan ang Sorento: 2 sunod sa Kings

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Barako Bull vs Globalport

5:15 p.m. San Miguel vs Purefoods

 

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay muling naglampaso ng kalaban ang Gin Kings.

Kinuha ng Barangay Ginebra ang kanilang pa­ngalawang dikit na panalo matapos gibain ang Kia Motors, 87-55, para sikwatin ang liderato ng 2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Nauna nang pinatum­ba ng Ginebra ang Talk ‘N Text, 101-81, sa kanilang unang laro sa pagbubukas ng 40th PBA season noong Oktubre 19 sa Phi­lippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Binuksan ng Gin Kings ang laro sa 7-0 bago nakalamang ang Sorento, hindi naigiya ni playing coach Manny Pacquiao na kasalukuyang nag-eensayo sa General Santos City, sa 20-19 buhat sa dalawang free throws ni guard Rudy Lingganay sa 10:07 minuto ng second period.

Mula rito ay nagpa-kawala sina seven-footer Greg Slaughter, 6’8 Japeth Aguilar at Joseph Yeo ng  24-2 atake para ibigay sa Ginebra ang 43-22 kalamangan sa halftime.

Muling umarangkada ang koponan ni rookie coach Jeff Cariaso sa third quarter kung saan nila ibinaon ang Kia ni assistant mentor Glenn Capacio sa 67-42.

Itinala ng Gin Kings ang malaking 79-44 bentahe sa 6:39 minuto ng final canto buhat sa dalawang free throws ni rookie James Forrester.

Samantala, puntirya naman ng San Miguel (1-0) na makasalo sa liderato ang Ginebra (2-0) sa pagsagupa sa nagdedepensang Purefoods (0-1) nga­yong alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Magtatagpo naman sa alas-3:13 ang Globalport (0-1) at ang Barako Bull (0-1).

Ginebra 87--Slaughter 16, Aguilar 16, Reyes 12, Ellis 10, Yeo 9, Mamaril 7, Tenorio 6, Caguioa 4, Helterbrand 3, Forrester 2, Baracael 2.

Kia Motors 55--Lingganay 14, Cervantes 14, Revilla 7, Alvarez 6, Alonzo 3,  Raymundo 3, Thiele 2, Ighalo 2, Padilla 2, Buensuceso 2.

Quarterscores:  17-11; 43-22; 67-42; 87-55.

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

GENERAL SANTOS CITY

GIN KINGS

GINEBRA

GLENN CAPACIO

KIA MOTORS

SAN MIGUEL

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with