^

PSN Palaro

Rivera, Posadas bumandera agad sa BWC national finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina da­ting world champion Biboy Rivera at multi-titled Lara Posadas ang mga bowlers na umabante sa second round ng Bowling World Cup national championships.

Si Rivera ay gumawa ng 269 at 266 noong Sabado sa Coronado Lanes at makakasama niya ang 33 iba pa na maglalaro ng isa pang 12-game series bukas ng alas-10 ng umaga sa Paeng’s Midtown center.

Ang mga male bowlers ay naglaban sa 12 laro sa unang round at si Rivera ay nagtala ng 2615 pinfalls. Pumangalawa si Jay-Ar Tan sa 2564 habang sina Benshir Layoso (2510), Enzo Hernandez (2482) at Raoul Miranda (2466) ang kumumpleto sa unang limang puwesto.

Sampung laro ang sinuong ng mga kababaihan at si Posadas ay may 2186. Si Liza Clutario ay may 2080, si Liza del Rosario ay may 1979, si Christelle Peig ay may 1970 at si Krizziah Tabora ay may 1959.

Sa Miyerkules gagawin ang second round sa kababaihan at madedetermina rito ang walong bow­lers na magiging palaban para sa stepladder finals.

Sa Agosto 22 sa SM North Edsa gagawin ang huling araw ng kompetis­yon at ang kikilalaning national champions ang panlaban ng Pilipinas sa international finals sa Wroclaw, Poland mula Nobyembre 1 hanggang 9.

vuukle comment

BENSHIR LAYOSO

BIBOY RIVERA

BOWLING WORLD CUP

CHRISTELLE PEIG

CORONADO LANES

ENZO HERNANDEZ

JAY-AR TAN

KRIZZIAH TABORA

LARA POSADAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with