^

PSN Palaro

Shakey’s V-League Cagayan hihilahin ang Ateneo, NU sa quarters

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

2 p.m. UP vs Cagayan 4 p.m. Ateneo vs National U

MANILA, Philippines - Bibigyan ng nagdedepensang kampeon Cagayan Valley Lady Rising Suns ng libreng tiket sa quarterfinals ang collegiate teams na Ateneo Lady Eagles at National University Lady Bulldogs sa pag-asinta ng panalo sa UP Lady Maroons sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon magsisimula ang tunggalian at ang Lady Rising Suns ay paborito sa Lady Maroons na hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang limang laro.

Isa pang pagkatalo ang magreresulta para samahan ng UP ang nasa huling puwesto na PNP Lady Patrollers (0-6) na namaalam na sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s.

Format ng liga ay ang pag-abante sa quarterfinals ng mangungunang anim na koponan dahilan  upang makausad na rin ang Ateneo at NU na siyang magtutuos sa ikala­wang laro dakong alas-4 ng  hapon.

Tinapos ng nagdedepensang kampeon Lady Rising Suns ang pamama­yagpag ng Army Lady Troo­pers sa pamamagitan ng 27-25, 20-25, 25-23, 25-22, panalo noong Huwebes para wakasan ang naunang limang sunod na panalo ng katunggali.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Cagayan ma­tapos lumasap ng pagkatalo sa kamay ng PLDT Home Telpads Turbo Boosters noong Hulyo 8 na tumapos sa kanilang 17-game winning streak na kinatampukan ng 16-0 sweep sa conference noong nakaraang taon.

Sina Aiza Maizo, Janine Marciano at Rosemarie Vargas ang mga mangunguna sa Lady Rising Suns para tablahan sa ikalawang puwesto ang pahingang Army (5-1).

vuukle comment

ARMY LADY TROO

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

HOME TELPADS TURBO BOOSTERS

LADY

LADY MAROONS

LADY RISING SUNS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with