^

PSN Palaro

NLEX sasagasa ng puwesto sa quarters

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Arena, Pasig City)

12 p.m.  Big Chill vs Café France Bakers

2 p.m. NLEX

vs Jumbo Plastic 

4 p.m. Cebuana Lhuillier

vs Boracay Rum

 

MANILA, Philippines - Unang puwesto sa quar­terfinals ang nakataya sa NLEX Road Warriors sa pagbangga sa Jumbo Plastic Giants sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Inaasahang kumpletong koponan ang makikita sa Road Warriors matapos ang pagbalik ni coach Boyet Fernandez at ang mga San Beda players mula sa dalawang linggong pagsasanay sa Lithuania.

Ikapitong sunod na panalo ang masusungkit ng Road Warriors na sapat pa upang makatiyak ng puwesto sa susunod na round.

Lalakas din ang laban ng NLEX para sa dalawang awtomatikong puwesto sa semifinals na ibibigay sa dalawang mangungunang koponan matapos ang eliminasyon kung padadapain ang pumapangalawang Giants.

Habang wala si Fernandez, ang assistant na si Mon Celis ang siyang dumiskarte at naipanalo niya ang tatlong laro dahil sa pagsusumigasig nina Garvo Lanete, Kevin Alas at Bobby Ray Parks Jr.

Huhugot ang Giants sa tibay ng kanilang depensa para wakasan ang winning streak ng kalaban at manatili sa pangalawang puwesto sa pagsulong ng kasalukuyang 4-1 karta.

Ang larong ito ay magsisimula dakong alas-2 ng hapon kasunod ng pagkikita ng Big Chill Superchar­gers at Café France Bakers sa ganap na alas-12 ng tang­hali.

Pilit namang kakapit pa sa ikalawang puwesto ang Cebuana Lhuillier Gems sa pagbangga  sa inspiradong Boracay Rum Waves sa huling laro ng triple-header dakong alas-4 ng hapon. (ATan)

vuukle comment

BIG CHILL

BIG CHILL SUPERCHAR

BOBBY RAY PARKS JR.

BORACAY RUM

BORACAY RUM WAVES

FRANCE BAKERS

PASIG CITY

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with