Mixers, Painters tumabla
Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
8 p.m. San Miguel Beer vs Air21
MANILA, Philippines - Nagposte ng 17-point advantage sa first half, napanatili ng No. 4 Rain or Shine ang kanilang porma hanggang sa fourth quarter para resbakan ang No. 5 Meralco, 102-93, sa Game Two sa kanilang quarterfinals series sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Bumawi ang Elasto Painters mula sa 91-94 kabiguan sa Game One noong Lunes para itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-three quarterfinals duel ng Bolts.
Sa unang laro, binalikan ng No. 6 San Mig Coffee ang No. 3 at nagdedepensang Alaska, 70-65, para sa kanilang 1-1 pagkakatabla sa serye.
Kinuha ng Rain or Shine ang 49-32 bentahe sa halftime at ibinaon ang Meralco sa pamamagitan ng 69-49 kalamangan sa third period mula sa three-point shot ni Gabe Norwood.
Saglit na nakalapit ang Bolts sa 70-78 agwat buhat sa basket ni Gary David bago kumamada sina Jervy Cruz, TY Tang at Beau Belga para muling ilayo ang Elasto Painters sa 86-70 sa gitna ng final canto.
Ang mananalo sa serye ng Rain or Shine at Meralco ang makakasagupa ng Talk ‘N Text sa best-of-five semifinals showdown.
Matapos naman ang tirada nina Dondon Hontiveros at Cyrus Baguio na nagbigay sa Aces ng 57-51 bentahe sa unang tatlong minuto ng fourth quarter ay isang 16-0 ratsada ang inilunsad ng Mixers para iposte ang 10-point lead, 67-57, sa huling dalawang minuto nito.
San Mig Coffee 70 -- Pingris 17, Devance 13, Mays 12, Barroca 10, Yap 9, Simon 4, Sangalang 2, Reavis 2, Mallari 1, Melton 0.
Alaska 65 -- Dozier 22, Hontiveros 16, Baguio 7, Casio 6, Jazul 6, Abueva 4, Thoss 3, Manuel 1, Reyes 0, Dela Cruz 0, Espinas 0.
Quarterscores: 12-16; 24-36; 49-50; 70-65.
Rain or Shine 102 -- Chism 26, Arana 12, Norwood 11, Cruz 10, Tang 10, Lee 8, Tiu 6, Belga 4, Ibanes 4, Rodriguez 4, Chan 3, Almazan 2, Nuyles 2, Teng 0.
Meralco 93 -- Jackson 21, David 19, Salvacion 18, Wilson 9, Hodge 7, Hugnatan 6, Timberlake 4, Dillinger 4, Caram 3, Sena 2, Ildefonso 0, Guevarra 0.
Quarters: 22-18; 49-34; 77-66; 102-93
- Latest