^

PSN Palaro

Beermen lalapit sa quarters vs Express

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pipilitin ng San Miguel Beer na makalapit sa No. 2 spot na may kasamang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round sa pamamagitan ng panalo sa Air21.

Nakatakdang labanan ng Beermen ang Express ngayong alas-8 ng gabi sa nag-iisang laro sa 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ang 78-88 kabiguan ng San Mig Coffee sa Meralco noong Lunes ang nagbigay ng malaking tsansa sa San Miguel Beer na masikwat ang No. 2 ticket sa quarter­finals.

Ganap na makakamit ng Beermen ang No. 2 berth kung mananalo sila sa Air21.

Magkakaroon lamang ng komplikasyon kung matatalo ang San Miguel Beer sa Air21 at ma­nanalo naman ang nag­dedepensang Alaska, nasa four-game winning streak, sa San Mig Coffee sa Linggo na magreresulta ng kanilang pagkakatabla.

Ang Talk ‘N Text ang unang koponang nagbulsa ng No. 1 berth kasama ang ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals kontra sa uupo sa No. 8.

“We’re not looking at that. It’s a cliché but we just look at the particular game we play,” sabi ni coaching consultant Todd Purves sa San Miguel Beer.

Nanggaling ang Beermen sa 97-88 paggupo sa Mixers noong Abril 12, samantalang nasa two-game losing skid naman ang Expess.

Sa tournament format ay lalabanan ng No. 1 ang No. 8 at sasagupain ng No. 2 ang No. 7 na kapwa bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

vuukle comment

ABRIL

ANG TALK

BEERMEN

N TEXT

SAN MIG COFFEE

SAN MIGUEL BEER

SMART ARANETA COLISEUM

TODD PURVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with