^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tinaasan na ang suweldonangungotong pa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Tinaasan na ang suweldonangungotong pa

NAKAKAHIYA na ang ginagawa ng ilang pulis. Makaraang ianunsyo ng Malacañang na tataasan na ang suweldo ng mga pulis, rumatsada ng pa­ngungotong ang ilang pulis. Nagdelihensiya pa. Ang nakapagtataka, kahit maliit na halaga ay pinapatulan nila.

Kamakalawa, anim na pulis mula sa Caranglan, Nueva Ecija ang inaresto ng mga kapwa pulis mula sa Counter Intelligence Task Force (CITF) dahil sa reklamo ng pangungotong. Ayon sa mga biyahero ng gulay, lagi silang kinukutongan ng anim na pulis na nakilalang sina SPO1 Antonio Otic, PO3 Danilo Sotelo, PO3 Ronald Buncad, PO3 Oliver Antonio, PO2 Rodrigo Edralin at PO3 Romeo Nuñez II.

Agad ipinag-utos ni PNP chief Dir. General Ro­nald dela Rosa ang pag-disarma sa anim na pulis saka sinampahan ng kaso at nahaharap na sila sa summary dismissal. Dalawang sibilyan na kakutsaba ng mga pulis ang inaresto rin ng mga pulis.

Ayon sa mga biyahero ng gulay, obligado silang “magbato” ng P5 sa mga pulis na ang taga-dampot ay ang dalawang sibilyan.

Ayon sa mga biyahero kapag hindi sila nakapagbigay o “nakapagbato” ng P5 ay hahabulin sila ng mga pulis. Mayroon daw motorsiklo ang mga pulis kaya hindi sila makakatakas. 

Ito pa ang isa, isang hepe

Ito pa ang isa, isang hepe ng Sasmuan, Pampanga police, ang inaresto kamakalawa dahil sa pang-eextort sa may-ari ng isang peryahan. Ayon sa may-ari, hinihingian sila ng P30,000 ng pulis na nakilalang si Senior Insp. Bulanadi. Nang kapana­yamin ang pulis, sinabi nitong na-setup lamang siya. Nakatakda na sanang magretiro si Bulanadi ayon sa report.

Wala nang itinatagong kahihiyan ang ilang pulis. Lantaran ang pagdurugas. Nasa dugo na nila ang pangungotong. Hindi na sila nahiya kay President Digong na ipinagmamalaki pa sila. Paano pa nila maatim na mangutong gayung ang pinakamababang ranggong Police Officer 1 (PO1) ay sumusuweldo na ngayon ng doble. Mula P21,000 naging P42,000 na ang suweldo nila. Kakahiya ang ginagawa nila na tinaasan na nga ng suweldo ay naatim pang mangutong.

Kakahiya na ang ginagawa ng mga mabababa ang rango. Ano kaya ang gagawing hakbang ng PNP chief ukol dito.

ng Sasmuan, Pampanga police, ang inaresto kamakalawa dahil sa pang-eextort sa may-ari ng isang peryahan. Ayon sa may-ari, hinihingian sila ng P30,000 ng pulis na nakilalang si Senior Insp. Bulanadi. Nang kapana­yamin ang pulis, sinabi nitong na-setup lamang siya. Nakatakda na sanang magretiro si Bulanadi ayon sa report.

Wala nang itinatagong kahihiyan ang ilang pulis. Lantaran ang pagdurugas. Nasa dugo na nila ang pangungotong. Hindi na sila nahiya kay President Digong na ipinagmamalaki pa sila. Paano pa nila maatim na mangutong gayung ang pinakamababang ranggong Police Officer 1 (PO1) ay sumusuweldo na ngayon ng doble. Mula P21,000 naging P42,000 na ang suweldo nila. Kakahiya ang ginagawa nila na tinaasan na nga ng suweldo ay naatim pang mangutong.

Kakahiya na ang ginagawa ng mga mabababa ang rango. Ano kaya ang gagawing hakbang ng PNP chief ukol dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with