^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Drug war suportadopero EJKs palso!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Drug war suportadopero EJKs palso!

SA latest Pulse Asia survey, siyam sa 10 Pinoys ay sumusuporta sa pakikipaglaban sa illegal drugs. Pero ang mga respondent din na ito ang nagsabi na naniniwala silang mga pulis din ang nasa likod ng extrajudicial killings (EJKs). Pero sinabi ni PNP chief Director Ge-neral Ronald dela Rosa na hindi maituturing na EJKs ang drug death. Hindi raw dapat sabihing ang lahat nang napapatay ukol sa illegal drugs ay EJKs na.

Sa resulta ng survey, maliwanag ang kanilang ibig ipahatid, isaayos ang kampanya laban sa droga. Maging parehas. Sundin ang batas at hindi ang batas ng bala. Hindi nakapagtataka na dahil sa mga pagpatay ukol sa illegal na droga, si Pres. Rodrigo Duterte ang binabatikos. Dahil sa mga batikos na inabot, bumaba ang trust rating ni Duterte noong nakaraang buwan pero mabilis din namang nakabangon. Sa kanya sumampal ang masasamang nangyari sa drug campaign. Lumalabas na lumalabag sa karapatang pantao si Duterte at sinakyan naman  ng foreign media. Pati mga delegates ng European Union ay inaakusahang umaabuso sa karapatang pantao si Duterte. Noong isang araw, pinagmumura ni Duerte ang mga opisyal ng European Union dahil sa pagbatikos sa kanya. Pinalalayas na niya ang mga ito.

Noong nakaraang linggo, isang mabigat na pasya ang ginawa ni Duterte. Inalis niya sa PNP ang kampanya laban sa droga at inilipat sa Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA). Hindi na makikialam ang PNP sa illegal na droga. Sabi naman ng PDEA, gagawin nila ang lahat para lubusang matuldukan ang illegal na droga sa bansa. Kahit daw kulang sila sa tauhan, sisikapin nilang magampanan ang tungkulin.

Ngayong nasa PDEA na ang tungkulin, umaasa kaming mahihigitan nila ang nagawa ng PNP. Ipakitang karapat-dapat sila sa pagtitiwala ni Duterte. Ipakitang kaya nila ang kampanya sa illegal drugs at hindi kailangang gamitin ang bala para rito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with