^

PSN Opinyon

Giant TV monitor sa gitna ng EDSA – Cubao

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sino kaya ang nagbigay ng permiso para isabit ang napakalaking TV screen sa dalawang magkasunod na foot bridge sa gitna ng Cubao sa EDSA, southbound na nakakaperwisyo sa mga nagmamaneho ng mga sasakyan?

Ika nga, kung ang gadget ay pinagbawal while driving bakit ito pinayagan ikabit sa mismong gitna ng daanan ng mga sasakyan lahat ng dadaan dito pababa ng Cubao tunnel going to Camp Crame ay mapapatingin.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa gitna mismo ng kalsada southbound ng Cubao, EDSA going to Makati City, nakasabit ang giant telebisyon na sobrang liwanag at may mga ipinakikitang mga advertisements kaya hindi puedeng hindi matignan ng drayber ito habang sila ay tumatakbo sa nasabing lugar.

‘Magkano kaya ang ibinayad dito?’ tanong ng kuwagong binukulan.

‘Ang Quezon City hall ba ang nagbigay ng permiso dito o ang MMDA ba o ang barangay kaya?’ tanong ng kuwagong haliparot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit ito pinayagan malaking abala ito sa mga nagmamaneho.

Ika nga, nakaka-destract while driving ang grabeng liwanag ng ilaw ng giant TV monitor!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas delikado ito sa gabi dahil mapapatingin at mapapatingin ang mga drayber na makakakita nito porke nasa gitna ito ng daanan.

‘Ano sa palagay mo QC Mayor Herbert Bautista o MMDA chairman Danny Lim?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

Avian influenza virus

NAGPAPASALAMAT kay Lord ang pamilya at siempre ang madlang people nang mag-anunsiyo ang DOH na negative sa ‘avian influenza virus’ ang dalawang bounty workers este mali poultry farm workers pala dyan sa Pampaga, dahil nagduda dito ang ilang medical practitioners ng makitaan ito ng mga singkamas este sintomas pala ng trangkaso kaya naman inilagay sila pansamantala sa isolation place para maobserbahan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ordinary colds and fever lang daw ang tumama sa dalawang nilalang ni Lord,  marami kasi ang nataranta sa pangyayari kaya naman kumuha agad ng blood at swab samples para maiksamin sa laboratory sila.

‘Anyare sa dalawang ito?’ tanong ng kuwagong manghuhula.

Sagot - wala negative result.

Sabi nga, walang ‘avian influenza virus.’

‘Ano ang nangyari?

Saan sila dinala pagkatapos na malaman negatibos silang dalawa?’

Sagot - pinauwi at binigyan na lamang ng ‘motga’ para mapagaling ang kanilang ubo’t sipon with matching fever.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mild symptoms sila pero negative sa ‘avian influenza virus.’

Ika nga, hindi nila nakuha ang dinaramdam nila mula sa sakit ng chicken.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos hindi na natutulog ang mga medical practitioners sa pagbabantay ng madlang poultry workers na nalantad sa infected chicken kaya naman up to now ay binibigyan nila ng anti-viral medicines ang mga affected farms sa dalawang barangay sa San Luis Pampanga.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa kumalat na balita tungkol sa sakit ng manok sangdamakmak na madlang people ang naapektuhan nito partikular sa pagtitinda, pagkain, at may-ari ng mga poultry products.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan ipagbigay alam ng mga may-ari ng poultry farms ang problema sa Agriculture Department para masolusyunan ng mas maaga ito at hindi na kumalat pa.

Sabi nga, hindi biro ito!

‘Marami ang maapektuhan kapag nagkataon.’

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with