PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hirap lipulin mga kawatan sa NAIA

NUNG nangangampanya pa lang si Digong sa pagka-presidente, kainitan ng tanim na bala sa NAIA. Nagbabala siya noon na kapag nangyari ito sa kanyang administrasyon ay ipakakain niya ang bala sa mga airport personnel na naglalagay sa mga bagahe ng pasahero. Natatandaan ko pa kawawa ang ginawa ng mga gunggong na airport personnel sa isang OFW na hindi pinabalik agad ng kanyang amo dahil nahulihan nga ito ng bala.

Ngayon nag-iba ang istilo ng mga nagtatanim ng bala, nangunguha naman sila ngayon ng laman ng mga bagahe. Kamakailan lang ninakawan ng apat na baggage handlers ang asawa ng Turkish Foreign Minister na dumalo lang sa ASEAN meeting na ginanap sa ating bansa. Malaking hamon ito ngayon sa administrasyong Duterte. Para sa akin kulang ang sampahan ng kaso ang apat na baggage handlers dahil huli naman sila ang kumuha sa mga alahas kailangang parusahan ang apat na gagong ito.

Ang buong akala natin ay nalinis na ang NAIA kasi matagal-tagal ding walang lumabas na balita tungkol sa kawatan at tanim-bala. Nagpahinga lang pala ang mga ito at ngayon umarangkada na naman sila. WOW Philippines daming kawatan! Pagbaba pa lang ng eroplano hindi mo akalaing kawatan pala ang mga sumasalubong sa inyo.

Nakakahiya ang ginagawa ng mga airport personnel na ito. Akala n’yo maganda ang ginagawang yan, mga gago, buong bansa ang pinahiya n’yo. Nakakainis lang dahil bakit hindi malipol ang mga kawatan sa NAIA. Pa­ano tayo dudumugin ng mga turista kung ganyan ang mga sasalubong sa kanila. Bukod diyan, may mga bastos na kawani ng paliparan, marumi ang CR at walang maupuan ang mga pasahero habang naghihintay.

Imbes na kayo ang mga modelo diyan sa ating international airport, kayo pa ang mga pasimuno ng kalokohan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: