^

PSN Opinyon

Martial law h’wag nang kontrahin

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ANO bang problema kung palawigin ni Pres. Digong Duterte ang martial law sa Mindanao hanggang Dis. 31, 2017? Sa halos dalawang buwan naipatupad ang martial law sa Mindanao wala namang naabusong karapatang pantao kaya hindi ko maintindihan kung bakit kinokontra ito ng ilang mambabatas sa pangunguna ni Rep. Edcel Lagman. Balak ni Lagman na iakyat ito sa Supreme Court. Ang Presidente ang commander-in-chief kaya gagawin niya ang lahat para sa kaligtasan ng mamamayan. Ang Supreme Court ay hindi dapat makialam sa Presidente.

Pabor ako sa extension ng martial law sa Mindanao dahil wala naman akong nakitang mali sa loob ng halos dalawang buwan nang ito ay ipatupad. Para sa aking karanasan noong panahon ni dating diktador Ferdinand E. Marcos at ngayon ni Digong, malaking pagkakaiba ang martial law. Noon kay Marcos, agad tinanggal ang Kongreso at naabusong masyado ang karapatang pantao sa loob ng 20 taon. Palagay ko hindi na mangyayari ngayon ang nangyari noong Marcos regime dahil unang-una bumalik na ang demo­krasya. Meron na tayong social media na isang klick lang buong mundo na ang makakabasa kaya wala akong pangamba rito sa martial law ni Digong. Kaya imbes na kontrahin, ipagpaubaya na lang kay Digong ang pasya sa martial law. Ang gusto lang siguro ni Digong ay ang kaligtasan ng mga taga-Mindanao. Kung nahihirapan na yung ibang mga Muslim at gusto ng bumalik sa kanilang mga tahanan mas hirap naman siguro ang mga military na ubusin ang mga terorista sa Marawi.

Kaya lang mukhang nasiraan ng kukote si House Speaker Pantaleon Alvarez. Hindi naman yata puwede ang gusto niyang habang nasa puwesto si Digong ay may martial law.

Mabuti pa si Digong at ang una niyang iniisip ay ang kapakanan ng ating mga kababayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with