^

PSN Showbiz

Concert ni Erik natulungan ni Miss Great Britain

Pilipino Star Ngayon

SEEN: Aprubado sa LGBT community ang friendship nina Erik Santos at Miss Great Britain Jamie Lee Faulkner na additional publicity para sa concert ngayong gabi ng Prince of Pop sa The Theater ng Solaire.

SCENE: Hindi lovely sa pakiramdam ng entertainment writers ang starlet na orientation at mga sagot ni Lovely Abella sa media launch ng D’Originals ng GMA-7.

SEEN: Sa July 2017 ang expiration ng kontrata ni AiAi delas Alas sa GMA Network, Inc. Balak ni AiAi na magbakasyon sa ibang bansa kapag nag-expire ang kontrata niya sa Kapuso Network.

SCENE: Ngayong Biyernes, April 7, ang premiere ng Here Lies Love sa Seattle, USA. Bida sa musical play ng Seattle Repertory si Mark Bautista, ang gaganap na dating pangulong Ferdinand Marcos.

SEEN: Seseryosohin na ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina ang showbiz dahil tinanggap na niya ang mga alok na pelikula at teleserye.

SCENE: Ang pahayag ng kampo ni Gabby Concepcion na busy ang aktor kaya hindi nito magagawa ngayong taon ang pelikula na dapat na pagsasamahan nila ng kanyang ex-wife na si Sharon Cuneta.

SEEN: Dapat nang kalimutan ni Sharon Cuneta ang movie project nila ni Gabby Concepcion dahil halatang-halata na hindi ito interesado na muli silang magsama sa pelikula. #HuwagPilitinKungAyaw.

SCENE: Nanindigan ang ABS-CBN management na patas at balanse ang paghahatid nila ng mga balita na taliwas sa mga akusasyon ni President Rodrigo Duterte.

vuukle comment

ERIK SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with