UAAP sotfball: Lady Bulldogs sa semis
MANILA, Philippines - Sinakmal ng National University ang University of the East, 2-1 upang umusad sa Final Four ng UAAP Season 79 softball tournament kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Ibinato ni pitcher Mia Macapagal ang huling strikeout na siyang naging daan upang dalhin ang Lady Bulldogs sa ikapitong panalo sa walong laro.
Makakasama ng NU ang reigning six-time champion Adamson University sa semifinals. Naitala ng Lady Falcons ang 11-2 demolisyon kontra sa Ateneo de Manila University.
Kinailangan lamang ng Lady Falcons ng limang innings para mabilis na dispatsahin ang Lady Eagles.
Sumulong ang Adamson sa 8-1 kartada.
Buhay pa ang University of the Philippines para sa mga huling Final Four slot matapos magtala ng 5-2 panalo laban sa University of Santo Tomas.
Bahagyang umangat ang Lady Maroons sa 3-6 sa ilalim ng De La Salle University na may 4-5.
Laglag naman ang Lady Warriors sa 4-6.
- Latest