^

PSN Opinyon

Social media writers dapat responsable

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGANDA sana ang social media dahil nagbibigay ng tinig sa mga mamamayan para magsiwalat ng kanilang opinion. Pero huwag namang gawin ito sa iresponsableng paraan para mangwasak ng reputasyon ng mga tao. Puwedeng tumiligsa sa mga bagay na dapat tuligsain, oo. Ngunit kung gagawa ng mga akusasyon, siguruhin lang na may personal kang hawak na katibayan para idemanda ka man ng libelo ay may laban ka sa Korte.

Kagaya rin ng mainstream media tulad ng print, radio and television, dapat ang isang manunulat ay may sense of responsibility and accountability. Buti na lang at mayroon nang batas na naglalapat ng parusa sa mga lumalabag sa anti-cybercrime law.

Kamakailan, inirekomenda ng isang Caloocan City pro­secutor ang pagsampa sa korte ng kaso laban sa isang Luisito  L. Birol dahil sa paglabag sa section 4 ng Republic Act no. 10175 o cybercrime prevention act ng 2012.
Inereklamo ni Caloocan City Rep. Edgar Erice si Birol sa pag-post sa kanyang facebook account ng  libelous o mapanirang mensahe noong February 15, 2016.

Ani Birol sa kanyang account, “Yellowtards are more corrupt than GMA”. Nakatala din dito na ang mining firms  nina Rep. Erice, liberal party spokesperson at Francis Eric Gutierrez ay kinasuhan at nahatulan ng environmental plunder ng Korte Suprema na may petsang Hunyo 4, 2014. Nagsaad  din ito ng comment  sa You Tube ng mga mapanirang pahayag noong Pebrero 28, 2016.

Batay sa resolusyon ng prosecutors office hindi itinanggi ni Birol ang post  nguni’t sinabi na hindi siya ang orihinal na may akda nito. Iyan ay isang uri ng iresponsableng­ pamamahayag. Pagpalagay na nating totoo ang naka­sulat, salungat sa ethics ng pamamahayag ang kumopya ng artikula na isinulat ng iba. Kung susulat ka ng mga akusasyon laban kanino man, siguraduhin mong may hawak kang personal na ebidensya para patunayan ang akusasyon mo.

Leksyon nawa ito sa mga mahilig magsulat sa social media lalu na kung walang proper education sa responsableng pamamahayag. Kunsabagay, kahit pa responsible kang manunulat, kapag may nasagasaan ka ay puwede kang idemanda talaga.  Maraming mga newspapermen, kasama na ang inyong lingkod na santambak ang libel cases at yung iba ay malaon nang retirado o patay ay tumatanggap pa rin ng subpoena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with