^

PSN Opinyon

Pasaway pa rin nang husto

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BINATIKOS nang husto ang North Korea dahil sa tinu­loy na pinalipad na long-range rocket noong Linggo. Mara­ming bansa, kasama ang Russia at China, ang panay ang tutol sa patuloy na pagpalawak ng North Korea ng kanilang “missile capability”. Hindi naniniwala ang ma­rami na para sa mapayapa at komersiyal na layunin ang mga ginagawang missile. Ayon sa North Korea­, nag­lagay sila ng satellite para sa “layuning agham”. Pero dahil North Korea ito, walang naniniwala na ito ang kanilang tunay na layunin.

Sa totoo nga, bawal ang North Korea na ipagpa­tuloy ang kanilang programa para sa pag-develop ng mga long-range na missile. Pero kailan ba nakinig at sumunod ang nasabing bansa sa United Nations? Ang layunin lang ng bansang ito ay maging isang makapangyarihang bansa sa pamamagitan ng nuclear na kaka­yanan. Kailan din lang ay nag-testing na sila ng nuclear na sandata. Kaya malinaw na ang sunod na gusto nilang ma­iwasto ay ang mga missile na may kakayanang magdala ng kanilang mga bomba. Kapag nakamit na ito, hindi na ligtas ang ilang bansa sa kanilang sandata, parti­kular ang South Korea, Amerika at Japan.

May mga tadhanang parusa na laban sa North Korea dahil sa pagiging pasaway na bansa, kontra sa kapa­yapaan at katatagan ng mundo. Pero sa pagpalipad nitong bagong missile nila, mag-uusap muli ang mga bansa sa UN kung dadagdgan pa ang mga parusang iyan. Ang problema raw ay ang China, na pwedeng harangin ang mga mabibigat na parusa. Ang China na lang daw ang naiiwang kakampi ng North Korea, dahil na rin sa negosyo. Maraming natatanggap rin na tulong ang North Korea mula sa China. Talagang kapag pera ang pinag-uusapan, hindi magpapahuli ang China kahit sino pa ang kausap.

Ang North Korea ang isa pang sakit ng ulo ng mundo, bukod sa mga terosistang Muslim tulad ng ISIS at iba pang mga ka-grupo. At pinatunayan nila muli sa pag­palipad nitong bagong missile nila. Kung bakit kasi may tumutulong pa sa kanila sa pamamagitan ng teknolohiya. Hindi na bale ang maraming magutom sa kanila, basta malakas ang kanilang militar. Nakakaawa rin ang mamamayan ng North Korea, na bulag ang debosyon sa kanilang itinuturing na buhay na diyos na si Kim Jong-Un.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with