^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi masolusyunan ang baha sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

NOONG Lunes ng hapon, isang oras lang umulan sa Maynila pero bumaha agad sa maraming lugar --- paligid ng Manila City Hall, Taft Avenue, Sta. Cruz Area, España Blvd. at iba pang mababang lugar. Ang isang oras na pag-ulan ay nagresulta sa pitong oras na trapik. Halos walang galawan ang mga sasakyan sa paligid ng Manila City Hall, Quiapo, España at mga kalye sa Sta. Cruz kasama ang Rizal Avenue. Maraming na-stranded na pasahero. Wala na silang masakyan sapagkat hindi umuusad ang trapiko. Mas lalo pa marahil nagkabuhol-buhol kung nang araw na iyon may pasok ang mga empleado at estudyante. National Heroes Day noong Lunes kaya walang pasok. Ganunman, marami pa ring lumabas ng kanilang tahanan pero inabot nang malakas na ulan at baha na nagresulta sa trapik.
Matagal nang problema ang baha sa Maynila at tila walang magawang paraan ang mga awtoridad kung paano masosolusyunan. Laging sinasabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na handa na sila sa pagsapit ng tag-ulan sapagkat nalinis na nila ang mga basura sa imburnal at iba pang daanan ng tubig. Totoo naman ang sinasabi ng DPWH sapagkat lagi nang nagsasagawa ng declogging ang flood control team nila. Pero bakit mayroon pa ring pagbaha? Bakit water world pa rin ang Maynila sa loob ng maikling pag-ulan?

Maski ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ay nagsasagawa rin ng paglilinis sa mga daluyan ng tubig. Nag-opisina pa nga si MMDA chairman Francis Tolentino sa isang gusali sa España Blvd para mamonitor  ang pagbaha sa lugar pero wa epek pa rin. Nang umulan noong Lunes, walang makitang MMDA personnel at wala ring traffic enforcers. Walang nag-asikaso sa buhul-buhol na trapiko. Nagkanya-kanya na ang mga motorista para makalusot sa trapiko na lalo lamang nagpalubha.

Ang hindi matapus-tapos na paghuhukay at ang walang disiplinang pagtatapon ng basura ang maaaring dahilan ng pagbaha. Barado pa rin sa basura ang mga drainage kaya walang madaanan ang tubig. Ang paghuhukay ay nagdudulot ng pagbaha sapagkat naiistak ang tubig sa mga hukay.

Ang DPWH at MMDA pa rin ang dapat sisihin kaya may pagbaha. Kailan sila makakaisip nang pangmatagalang solusyon?

 

vuukle comment

CRUZ AREA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ESPA

FRANCIS TOLENTINO

MANILA CITY HALL

MAYNILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL HEROES DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with