^

Metro

Pulis-Maynila itinumba ng 2 tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pulis-Maynila itinumba ng 2 tandem

Sa ulat ni SPO4 Milbert Balinggan kay MPD-Ho­micide Section chief, Senior Inspector Rommel Anicete, naganap ang pamamaril alas 10:30 ng gabi sa harap ng Marcely’s Bakery and Sari-sari Store sa Yuseco St., panulukan ng T. Mapua St., sa Sta. Cruz, Maynila. File

Kagawad kritikal

MANILA, Philippines — Patay ang isang unipormadong pulis-Maynila at isang barangay kagawad nang pagbabarilin sa kanilang ulo ng isa sa apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalwa ng gabi.

Idineklarang patay sa Jose Reyes Memorial Medical center (JRMMC)  si SPO1 Teodorico Arabe Jr., 50-anyos, miyembro ng Philippine National Police na nakatalaga sa Manila District Traffic Enforcement Unit ng Manila Police District at residente ng Kalimbas St., Sta. Cruz, Maynila sanhi ng tinamong bala sa ulo.

Nasa malubhang kalagayan din sa Intensive Care Unit-Surgery Department ng UST Hospital ang isa pang biktima na kinilalang si Gimillano Ajon, 50 anyos, kagawad ng Brgy. 358, Zone 36 at residente ng Yuseco St., Sta. Cruz, Maynila na sa ulo din nagtamo ng bala.

Sa ulat ni SPO4 Milbert Balinggan kay MPD-Ho­micide Section chief, Senior Inspector Rommel Anicete, naganap ang pamamaril alas 10:30 ng gabi sa harap ng Marcely’s Bakery and Sari-sari Store sa Yuseco St., panulukan ng T. Mapua St., sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon, habang nakatayo si Arabe at naninigarilyo naman si Kagawad Ajon sa harap ng bakery nang dumating ang dalawang motorsiklo lulan ang dalawang tandem na suspek sa kabilang lane ng Yuseco St. at bumaba ang isa sa mga backrider, kinuha ang baril at tumakbo palapit sa dalawang biktima at kapwa pinaputukan sa ulo habang naghihintay lang sa mga motorsiklo ang tatlong suspek.

Mabilis na nagmaniobra ang driver ng gunman at pinik-ap siya at humarurot habang ang isa pang riding-in-tandem ay lumapit na rin sa dalawang nakabulagta at siniguro kung may mga tama ang dalawa bago nila nilisan ang lugar patungo sa direksiyon ng LRT sa Rizal Avenue.

Mabilis na rumesponde ang kaanak ni Ajon at iba pang bystanders na nagdala sa JRMMC kay Arabe  subalit idineklarang patay dakong alas-12:32 ng madaling araw ni Dr. John Carlo Laylo.

Kapatid mismo ni Ajon na sina Marcely at Anna Lea ang nagsugod sa kanya sa UST Hospital.

Nakarekober ang MPD-Homicide Section ng dalawang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa crime scene.

Wala pang matukoy na motibo sa krimen at sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Samantala, ayon sa ilang source, si Arabe ay dating nakatalaga sa MPD-Station 1 ng Station Anti-Illegal drugs (SAID). Hinahanap din ang service firearm ni Arabe na hindi na matagpuan sa crime scene.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with