^

Metro

Mag-live-in, 5 pa huli sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang mag-live-in partner at limang pa na sinasabing mga ‘tulak’ ng ipinagbabawal na gamot sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, director ng QCPD ang mga suspek na sina Wilfredo Anihal, 44, live-in partner nito na si  Merry Ann Diaz, 35 , kapwa residente ng Brgy. Old Balara, sa lungsod.

Naaresto rin sina Gaspar Macandog, 38; Dennis Mateo, 37; Carlo Babiera, 24; Jonathan Ciriaco, 32 at  Marivel Basco, 42 pawang residente ng  Sapang Kangkong, Quezon City.

Ang pito ay naaresto dakong alas-2:00 ng madaling araw sa buy bust operation ng mga tauhan ng QCPD.

Ayon sa report, isang residente sa lugar ang nagsumplong sa pulisya hinggil sa pagbebenta umano ng droga ng mga suspek kaya isinagawa ang ‘bitag’ sa kanila.

Sinasabing aktong ini-aabot ng mga suspek ang bawal na gamot sa isang asset ng pulisya noong sila ay arestuhin.

Nakuha mula sa mga suspek ang nasa 18 sachet ng ipinagbabawal na gamot na nagkakahalaga ng 120,000, ibat-ibang drug paraphernalia at mark money.

Sa ngayon ay nahaharap na sa kasong paglabag sa R.A. 9165, (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with