^

Metro

Walang pasok sa Navotas ngayong Martes

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas ng paaralan at maging ang mga manggagawa sa Navotas City sa darating na Enero 16 kaugnay ng ika-112 ani­bersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco na ito ay sa bisa ng Presidential Proclamation No. 389 sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagdedeklara sa petsang Enero 16, 2018 bilang ‘Special (Non-Working) Holiday” sa lungsod ng Navotas.

Inabisuhan din ng alkalde ang mga motorista na iwasan ang mga pangunahing kalsada sa lungsod sa naturang petsa dahil sa isasara ang mga ito sa trapiko upang bigyang daan ang kanilang “grand parade”.

Sa paalala ng lokal na pamahalaan, simula alas-11 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, sarado ang kahabaan ng C3 Road, M. Naval Street, R10 Road, P. Cadroniga Street, Gov. A Pascual Street at L. Santos Street.  

Hinikayat ni Tiangco ang mga residente na makibahagi sa pagsasaya at mga aktibidad kabilang ang “Grand Parade” na lalahukan ng malalaki at makukulay na ‘floats’ buhat sa iba’t ibang sektor ng lungsod.

Una nang nagsagawa ng “Palaisdaan Festival-Street Dancing Competition” nitong Enero 13, pagbibigay ng parangal sa Top 20 na taxpayers sa lungsod, Invitation Motor Show nitong Enero 14, habang ngayong Lunes ang Mutya ng Navotas Coronation Night at Grand Fireworks Display, at pinakahuli ang grand parade bukas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with