^

Metro

Driver nang-agaw ng pasahero sinaksak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang driver nang saksakin ng kapwa tricycle driver dahil sa agawan ng pasahero sa Tondo, Manila kama­kalawa.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Gilberto Canoza, 40, residente ng No. 2108 Molave St., Tondo  bunsod ng tinamong saksak sa kaliwang tagiliran.

Nakapiit na sa Manila Police District-Station 7 ang suspek na si Edmund Sablaon, 36, ng No. 1027 Tayabas St., Tondo.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng madaling araw nang may dumating umanong pasahero na tinawag ng biktima at isinakay sa halip na sa suspek sumakay dahil nauna ito sa pila ng tricycle sa Molave St. Agad na sinita ng suspek ang biktima na nauwi sa pagtatalo, suntukan hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak si Canoza sa kaliwang bahagi ng katawan. Sugatan din ang suspek dahil sa tinamong panununtok ng biktima sa kanyang ulo.

Agad na dinala sa ospital ang biktima habang ang suspek ay kalaboso at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with