^

Metro

Trader kumasa sa holdap: Suspek utas, 2 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Trader kumasa sa holdap: Suspek utas, 2 sugatan

Sa ulat ng Criminal Inves­tigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-7:45 ng gabi habang nagba­bantay si Oliver Chiong, 36, ng kanyang tindahan ng soft­drinks at alak na matatagpuan sa 82 Matahimik St., Brgy. Teacher’s Village West kasama ang kan­yang mga tauhan nang dumating ang mga suspek na armado ng mga baril. File

MANILA, Philippines — Isang hinihinalang holda­per­ ang patay habang su­ga­tan ang kanyang dala­wang kasamahan nang ku­masa at pagbabarilin ng isang ne­gos­yante na kanilang pinasok at pagnakawan sa Brgy. Teacher’s Village West, Que­zon City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang suspek na si Herminigildo Garcia, 36, ng 2 Himlayan Road, Brgy. Tandang Sora, Quezon City habang sugatan ang kanyang mga kasamahan na sina Dino Carlo Buenavesta, 38, ng 22 Cebu St., ng Brgy. Culiat, QC, na naka-confine sa QC General Hospital; at Floro Cabalhao, 48, security guard, residente ng Talanay Arta, Brgy. Batasan Hills, QC, na nakaratay naman sa East Avenue Medical Center dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Criminal Inves­tigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-7:45 ng gabi habang nagba­bantay si Oliver Chiong, 36, ng kanyang tindahan ng soft­drinks at alak na matatagpuan sa 82 Matahimik St., Brgy. Teacher’s Village West kasama ang kan­yang mga tauhan nang dumating ang mga suspek na armado ng mga baril. Dalawa sa kanila ang nagpanggap na kostumer habang ang isa ay nagsilbing lookout.

Pagkapasok sa loob ng tindahan, agad na nagdek­lara ng holdap ang mga sus­pek at tinangay ang P560,000 na kita ng tindahan, apat na iba’t ibang uri ng cellphone at isang Ipod at saka mabilis na lumabas.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Chiong at ka­agad na kinuha ang kanyang baril. Sinundan niya ang mga tumatakas na suspek at ng kanyang abutan habang papasakay pa lamang sa motorsiklo ay saka niya pinagbabaril.

Napuruhan ni Chiong si Garcia habang tinamaan din sina Buenavesta at Cabalhao ngunit nagawa pa ring nilang makatakas.

Inireport ni Chiong sa QCPD Station 9 ang insidente at kinalaunan ay nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa naturang mga pagamutan na may da­lawang sugatang lalaki na isinugod doon kaya’t kaagad nilang nirespondehan.

Positibo na kinilala ni Chiong at ng kanyang mga tauhan ang dalawang suga­tang suspek na siyang mga nangholdap sa kanila.

Nabawi rin mula sa mga suspek ang mga pera at cellphone na kanilang natangay mula sa biktima matapos na aminin ng asawa ni Cabal­hao na iniwanan ito ng kanyang mister sa kanilang ta­hanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with