P522-M mga puslit na kargamento, nasamsam
MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang may P522 milyong halaga ng imitation apparel sa isang warehouse sa Pasay City.
Sa isang pahayag, nasamsam ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ng Enforcement and Security Service (ESS) ng bureau ang ilang kahon na punung-puno ng mga imitation merchandise, bukod pa sa nasamsam na mga generic watches at sapatos na ipinuslit sa bansa ng walang kaukulang import permit.
Ang mga ilegal na kargamento, na buhat sa China, ay nadiskubre sa sampung units ng warehouse 142 sa Cuneta Avenue, Pasay City.Sinabi ni BOC Intelligence Group (IG) Deputy Commissioner Ricardo Quinton na ni-raid ang bodega matapos silang makatanggap ng impormasyon sa isang concerned citizen kaugnay umano sa mga iniimbak doon na mga pekeng goods.
- Latest