^

Metro

Quezon City encounter: Karnaper utas, 3 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa sa apat na hinihinalang miyembro ng carnapping at gun-for-hire syndicate ang napatay habang tatlo pa ang sugatan kabilang ang isang pulis at isang batang babae matapos ang engkuwentro sa Brgy. Payatas, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang napa­tay na suspek sa pangalang Marlon Maala, nasa hustong gulang.

Ang sugatan ay si PO1 Jaypee Gonzales na nabaril ng mga suspek at isang batang babae na hindi na pinangalanan na nadaplisan naman ng ligaw na bala sa balikat at binti. Sugatan din ang isa sa mga suspek na nakatakas.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang tatlo pang suspek na nakatakas sa kasagsagan ng engkuwentro at pinaniniwalaang isa sa kanila ay sugatan.

Batay sa ulat ng Batasan Police Station (PS-6) na pinamumunuan ni P/Supt Rossel Cejas, dakong alas-7:25 ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa Empire Hilltop St., kanto ng Lower Empire St. sa naturang barangay.

Ayon kay Eleazar, nagsasagawa ng casing at surveillance sa lugar ang kanyang mga tauhan laban sa isang carnapping at gun-for-hire syndicate nang bigla na lang dumating ang apat na suspek na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo at kaagad na binaril si PO1 Gonzales na tinamaan sa kanang paa.

Agad na nagtakbuhan ang mga batang nasa lugar ngunit isa sa kanila ay naha­gip ng bala pero masuwerteng daplis lamang ang tinamo.

Kahit sugatan, hindi pinanghinaan ng loob si PO1 Gonzales at kuhang-kuha pa sa CCTV footage nang makipagbarilan sa mga suspek sanhi upang masapol si Maala habang nakatakas ang iba sakay ng motorsiklo.

Ayon sa isang lalaking residente, habang kumakain siya kasama ang biyenan nang makarinig sila ng kalabog mula sa likuran ng kanilang bahay at maya-maya ay dumungaw sa bintana ang isang sugatang lalaki na may baril. Nagpakilalang pulis ang lalaki at humihingi ng tulong sa kanila upang itago siya habang ang baril nito ay iniabot sa kanila. Gayunman, hindi sila naniwala na pulis ang kanilang kausap kaya’t kinuha ang baril nito at itinapon sa basu­rahan na narekober naman ng mga awtoridad. Pinakiusapan umano nila ang suspek na umalis na lamang dahil may mga bata sa kanilang tahanan na tumalima naman at gumagapang na tumakas.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 pistola na may anim na live ammunition, isang kalibre .9mm na may dalawang bala, at isang Kawasaki motorcycle, na may plakang 902-5XA, na siyang sinasakyan ni Maala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with