^

Metro

Parak inatake ng 3 holdaper: 1 patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Parak inatake ng 3 holdaper: 1 patay!

Sa inisyal na ulat ni PO2 Danilo Damasco, ng Pasig City Police, dakong alas-11:30 ng gabi habang pauwi na si PO1 Galong mula sa kanyang duty, sakay ng isang pulang Raider J Pro na motorsiklo (4249 IW), nang pagsapit sa Javier Bridge sa Brgy. Maybunga ay namataan ang tatlong suspek na nakatambay doon. File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaking umano’y holdaper nang barilin ng isang pulis na hinarang nito at tinangkang holdapin habang nakatakas ang dalawa pang kasamahan sa Brgy. Maybu­nga, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Hindi pa kilala ang nasa-wing suspek matapos mabaril ni PO1 Lester Galong, 32, mi-yembro ng Police Community Precinct 4 (PCP-4) ng Pasig City Police, at residente ng Kalingangan St., Brgy. Caniogan, Pasig City.

Sa inisyal na ulat ni PO2 Danilo Damasco, ng Pasig City Police, dakong alas-11:30 ng gabi habang pauwi na si PO1 Galong mula sa kanyang duty, sakay ng isang pulang Raider J Pro na motorsiklo (4249 IW), nang pagsapit sa Javier Bridge sa Brgy. Maybunga ay namataan ang tatlong suspek na nakatambay doon.

Pagdaan ng pulis sa tapat ng mga suspek, bigla na lamang umanong humarang sa daraanan ng pulis ang isa sa mga suspek, kaya’t napilitan siyang huminto. Lumapit  ang isa pang suspek at agad itinulak ang pulis, sanhi upang mawalan siya ng balanse at kaagad na bumagsak sa sementadong kalsada.

Mabilis umanong tumayo ang pulis at nagpakilalang alagad ng batas ngunit bigla na lang siyang sinugod ng isa sa mga suspek, kaya’t nakipagsuntukan siya dito. Muli umanong bumagsak ang pulis kaya’t kinubabawan siya ng suspek upang hindi siya makabangon at saka tinangkang agawin ang kanyang service firearm. Nakipagpambuno ang pulis at tinangka siyang saksakin ng balisong na masuwerteng nakailag at nakatayo. Dito na binunot ng pulis ang kanyang baril at nagpaputok ng warning shot.

Sa halip na tumigil, muling sinugod umano ng saksak ng suspek ang pulis kaya’t upang idepensa ang sarili ay napilitan na siyang pagbabarilin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang suspek na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Nang makita naman ng mga kasamahan ang nangyari ay agad silang tumakas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with