^

Metro

MMDA pumalag sa Grab

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa naging pahayag ng Grab Philippines na lalung sumama ang daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ng tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pia­lago, kung tutuusin aniya ay  nakadagdag din sa pagsisi-kip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila ang transport network companies (TNCs) tulad ng Grab Philippines.

Ayon kay  Pialago,  base sa  datus, nasa 6,000  kapasidad ng behikulo ang buma­bagtas sa EDSA kada oras, na sa ngayon aniya ay tumaas na ang bilang nito, na 7,500 kada oras.

Sabi ni Pialago na huwag aniyang sisisihin ang MMDA sa trapik na nararanasan sa Metro Manila dahil ginagawa umano nila ang lahat para lamang ito masolusyunan   sa pamamagitan ng mga programang pinatutupad nito.

Ang naging reaksyon  ng MMDA ay bunsod sa naging pahayag ng Grab Philippines  na mas lalu aniyang sumama ang daloy ng trapiko sa Metro Manila kahit aniya  hindi sila nagdagdag ng mga sasakyan nitong nakaraang anim na buwan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with