^

Metro

200 inmates ng QCJ pinalaya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 200 preso sa Quezon City Jail (QCJ) ang  pinalaya  matapos isagawa ang ‘Judgement Day’, isang mass promulgation at marathon hearing hinggil sa kani-kanilang mga kaso kamakalawa.

Karamihan sa mga pinalaya ay may kinaharap na ‘petty crimes’ na matagal ng nakakulong pero ‘usad-pagong’ ang kanilang kaso sa korte.

Ang pagpapalaya sa 200 preso ay bahagi ng programa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Department of Justice (DOJ).

Target ng BJMP na makapagpalaya 800 detenido sa loob ng QCJ sa susunod na buwan o bago matapos ang taong kasalukuyan.

Nabatid na ang QCJ ay may kapasidad lamang na 700 preso, pero sa kasalukuyan ay nasa 3,400 ang nakakulong sa nasabing piitan.

Ang programang “Judgement day’ ng BJMP  at DOJ ay hindi lamang sa QC isasagawa bagkus ay sa buong bansa upang ma-decongest ang mga piitan na sobrang siksikan na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with