^

Metro

MRT-3 pumalpak muli, biyahe tumirik

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling tumirik ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon ng tanghali habang abala ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagtanggap ng mga delegado mula sa iba’t ibang bansa na dadalo sa idaraos na 31st Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit ngayong araw.

Ang MRT-3 na bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City, ay isa sa mga alternatibong sasakyan ng mga Pinoy ngayong maraming kalsada ang nasa total lockdown dahil na rin sa idaraos na ASEAN Summit, kaya’t kaliwa’t kanan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko ang dinaranas ng mga motorista.

Nabatid mula sa control tower ng MRT-3 na dakong 11:37 ng tanghali nang dumanas ng technical problem ang isang tren sa northbound ng Boni Avenue Station sa Mandaluyong City. Pinababa ang mga pasahero at sinabihang maghintay na lamang ang susunod na bagon para muling sumakay patungo sa kanilang destinasyon.

Umabot ng Category 3 ang status ng aberya at hinatak pabalik ng MRT-3 depot ang tumirik na bagon.

Ang DOTr na ang siyang na­ngangasiwa ng pagpapatakbo sa MRT-3 matapos kanselahin ang maintenance provider nito na BURI.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with