PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dahil sa hindi pagsipot sa Espinosa case hearing Espenido, 5 pang pulis pinasisibak ng korte sa PNP

MANILA, Philippines — Inutos ni Manila Regio­nal Trial Court Judge Silvino Pampilo Jr., kay PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na sisibakin sa serbisyo ang anim na pulis kabilang si PC/ Insp. Jovie Es­pe­nido, matapos na hindi dumalo kahapon ng umaga sa ginanap na pre-trial sa kasong illegal drugs na isinampa laban sa umano’y drug lord na si Roland “Kerwin” Espinosa.

“I am ordering Chief PNP Bato to start the summary dismissal of these police officers for failure to attend today’s pre-trial hearing despite having properly notified them. They have 72 hours to explain why they should not be cited for contempt and why we should not file obs­truction of justice charges,” ayon sa kautusan ng Hukom.

Bukod kay Espenido, na­bigo rin na dumalo sa pagdinig sina PCInsp. Elo Diao Laraga, PO3 Neil Radin, PO1’s 1 Winefredo Guiron, Jessie Parto, at Mark Alvin.

Gayundin sina Prose­cutors Marcelo Adorco at Jose Antepuesto na kapwa pinadalhan ng subpoena pero hindi nakadalo sa pagdinig.

Idinagdag pa ni Pampilo  na inatasan siya ng Supreme Court (SC) na madaliin ang pagresolba sa kaso kaya siya  istrikto.

Sa kabila na nakadalo si Espinosa, nabigo naman makadalo sa pagdinig ang dalawa niyang abogado na nakabase sa Leyte kaya binigyan ng 72 oras  sina Attys. John Ungab at Leilani Trinidad Villarino para magpaliwanag kung bakit hindi sila nakadalo   sa pagdinig.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa kabila ng hindi nakadalo ang mga abogado, sinabi ni Espinosa na wala siyang balak na magpalit  ng abogado.

Nalaman kay Prosecutors Marcelo Adolfo na hindi nakapag-booking ng kanyang flight si Ungab dahil sa Asean Summit, habang si Villarino ay kalalabas lamang sa hospital.

Nakatakda sanang mar­ka­han ang mga iprinisintang ebidensiya at ibibigay ang pangalan ng mga testigong ihaharap sa korte ng prosecution at depensa.

Nabatid na  tatlong magkakahiwalay na kaso ang nasa kanyang sala laban kay Espinosa kabilang na ang drug trading and distribution in violation of Section 5 ng R.A. 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs, paglabag sa  Section 11, Article II of R.A. 9165; at illegal possession of firearms.

 Muling itinakda ni Pam-pilo sa Disyembre 8, ang susunod na pagdinig.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: