^

Metro

Mag-inang kasambahay na partner-in-crime, kalaboso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Amo ninakawan ng mahigit sa P1-m alahas at cash

MANILA, Philippines — Kalaboso ang mag-ina na kapwa kasambahay nang ireklamo ng pagnanakaw ng mahigit milyong halaga ng alahas at salapi ng negosyante nilang amo sa Sta. Mesa, Maynila.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutor’s Office ang mag-inang sina  Emelita Mercado , alyas Lita, biyuda at anak na si Antonina Mercado, alyas nini, 38, stay-in kasambahay  sa P. Sanchez, Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Chief Inspector Eduardo Pama, hepe ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District, idinulog ng complainant na si Susan Bueno, 58, ang reklamo laban sa kaniyang da­lawang  kasambahay matapos matuklasan ang panloloob sa kanyang pribadong silid gamit ang duplicate key at pagtangay sa iba’t-ibang uri ng alahas, relos na umabot sa halagang 1,260,000 at cash na humigit-kumulang sa P20,000.

Sa salaysay ng biktima, alas- 2:00 ng hapon nitong nakalipas na  Nobyembre 2 ay biglaan siyang umuwi ng bahay mula sa Greenhills, San Juan at nasorpresa nang madatnang hindi na nakakandado ang silid niya at nasa loob ang kasambahay na si Nini, gayung siya lamang ang may hawak ng nag-iisang susi.

Sa pagkagulat ni Nini ay napahagulgol ito na ipinagtaka ng biktima hanggang sa magtapat na ito sa mga ninakaw na alahas sa maraming pagkakataon at ang pinakahuli ay itinuro na nakaipit sa kaniyang mga damit.

Tuluyan na ring ibinulgar ni Nini na ang kaniyang ina na si Lita ang may pakana sa susi na ginagamit sa pagnanakaw sa silid ng kanilang amo na pinaniniwalaang ipinakopya ang orihinal na susi.

Sinabi ng biktima na walang ibang tao na nakatira sa kaniyang bahay bukod sa mag-inang suspek at anak ni Nini na dalawang menor de edad.

Sobrang tiwala umano ang ibinigay niya sa mga suspek dahil kinupkop niya ang buong pamilya nito  na hindi akalaing bantay-salakay pala ang modus.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with