^

Metro

Truck vs truck: 1 patay, 2 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa ang patay at dala­wa ang nasugatan nang sumalpok ang isang dump truck na may kargang buhangin sa nakaparadang 14-wheeler truck sa Payatas Road, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinila- lang si Cielito Halili, driver ng dump truck, habang sugatan ang dalawang pahinante nito na sina Alvin Yabot at Meljhon Yabot.

Nabatid mula kay PO3 Alfredo Moises ng Quezon City Traffic Traffic Sector 5 na dakong ala-1:00 ng ma­daling araw nangyari ang aksidente sa kurbadang kalsada ng Payatas, Litex road, Brgy. Commonwelth, Quezon City.

Ayon sa report, nakapa­rada ang isang 14-wheeler truck sa gilid ng kalsada nang dumating ang rumaragasang dump truck na minamaneho ng biktima at sinalpok ito.

Sa lakas ng pagkaka­bangga ay naipit  o na-sand­wich ang biktima sa dalawang truck at umabot ng isang oras bago tuluyang na-rescue ng mga awtoridad at isinugod sa East Avenue Medical Center pero nasawi rin habang ginagamot sa hospital.

Nagtamo naman ng sugat sa katawan ang isang pahinante at bukol sa ulo ang tinamo naman ng isa pang pahinante na ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan.

“Bigla na lang lumusot yung dump truck na napakabilis. Parang nawalan ng kontrol at binangga na ‘yung truck namin,” sabi ni Cris Dayrit, driver ng nakaparadang truck.

Ayon naman kay Edna Elento, Public Safety Office ng Bgry. Commomwealth, nakita nilang duguan ang dalawang pahinante kaya mabilis nilang isinugod sa pagamutan.

‘Yung isang pahinante, nakaupo sa harapan ng truck, duguan na siya. Tapos ‘yung isang pahinante ay nagtamo ng bukol na hin­di masyadong napuruhan, tinutulungan namin sila. Kasi pababa itong road na ito. Marami talagang accident ‘pag ganun, oras dito” sabi ni Elento.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Traffic Sector 5, nawalan ng preno ang dump truck na may kargang buhangin hanggang mabangga nito ang nakaparadang truck.

Kinailangang pang gamitan ng pay loader, backhoe at iba pang heavy equipment ang bumanggang truck at binawasan ang kargang buhangin bago na-ialis at naitabi sa lugar.

Lumikha ng masikip na daloy ng trapiko sa lugar ang naganap na aksidente dahil pangsamantalang isinara ang nasabing kalsada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with