^

Metro

Divina, 50 iba pa nasa lookout bulletin ng BI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinailalim na rin sa  immigration lookout bulletin order si UST Civil Law dean Nilo Divina at 13 pang abogado ka­ug­nay ng pagkamatay ng ha-zing victim na si Horacio Castillo III.

Batay sa limang-pahinang urgent memorandum na ipinalabas kahapon ni DoJ Sec. Vitaliano Aguirre ll, 51 bagong pa-ngalan, kabilang si Divina, ang nadagdag sa unang listahan na itinuturing na mga persons of interest sa kaso ni Castillo.

Nakuwestyon ang pagkakasama sa pangalan ni state prosecutor Emmanuel Velasco na yumao na noong 2013 dahil sa atake sa puso.

Ipinaliwanag ni Justice Undersecretary Erickson Balmes na isinama nila ang pangalan ng dating piskal dahil ito ang nakalistang trustee ng Aegis Juris fraternity at hindi nila alam na namayapa na ito.

“Better safe than escape, hindi kasi namin alam na wala na siya,” ani Balmes.

Samantala, ipinaha-yag naman ng kampo ni Divina  na ikinokonsidera  niya ang pagkalas sa Aegis Juris Fraternity kaugnay ng umano’y pagkamatay sa hazing ng freshman student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.Ayon sa abogado ni Divina na si Atty. Estrella Elamparo, nababahala ang dean sa palitan ng chat messages ng kanyang mga ka-frat na nagpaplanong pagtakpan ang pagkamatay ni Castillo. Sinabi pa ni Elamparo na dismayado din si Divina sa pagbaba ng grado at pagbaba ng kalidad ng mga recruits ng Aegis Juris.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with