^

Metro

MPD kay Solano: Hindi ka doktor!

Doris Franche Borja at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanindigan si Manila Police District Director, Chief Supt. Joel Coronel na namatay ang UST Law student na si Horacio ‘ Atio’ Castillo III dahil  sa hazing.

Ito ang naging sagot ni Coronel  sa inilabas na pahayag ng isa sa mga suspect na si John Paul Solano na isinisisi sa umano’y  paglaki ng puso ang pagkamatay ni Castillo

Buwelta ni Coronel, di hamak na may kredibilidad ang mga doktor ng MPD na nagsagawa ng medico legal kay Castillo kesa kay Solano na isang med tech professional.

Dagdag pa ni Coronel, ang pahayag ni Solano ay pawang espekulasyon lamang nito dahil kung totoo aniya ang sinasabi nito ay noong dinala niya sa ospital si Castillo  ay sinabi niya agad na ito ay inatake sa puso.

Sinabi ni Coronel na hindi nila papayagan na baluktutin ni Solano ang kanilang findings na pinatutunayan ng mga ebidensiya.

Kasabay nito, binuweltahan na rin  ng ilang Senador si Solano sa naging pahayag nito.

Ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, hindi na lamang ang Senado ang ginagago ni Solano kung hindi ang buong bansa. Idinagdag ni Zubiri na kahit pa anong pre-condition  mayroon si Castillo na itinanggi na ng kanyang mga magulang, maliwanag na naghahanap ng excuse ang kampo ni Solano para malusutan ang krimen.

Sinabi naman ni Senator Sherwin Gatchalian na ginagawa lahat ni Solano ang paraan para patagalin ang pagbibigay ng hustisya kay Castillo. Naniniwala rin si Gatchalian na kontrolado ng Aegis Juris si Solano.

Sinabi naman ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero na kung walang nangyayaring panggugulpi o hazing ay tiyak na hindi mangyayari ang sinasabing cardiac arrest.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with