^

Metro

‘Hepa lane’ sa U-belt ‘di na pababalikin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na hindi na papayagang makabalik pa ang “hepa lane” upang maiwasan ang pagkakaroon ng epidemya. 

Ayon kay Estrada, hangga’t walang health at sanitary permits ang mga vendors sa “hepa lane” sa Morayta ay hindi na bibigyan ang mga ito ng pagkakataon na makabalik sa puwesto.

Ani Estrada, kaligtasan at kalusugan lamang ng publiko, lalo na ng mga estudyante ang kanyang iniisip.

Paliwanag ng alkalde, wala siyang tutol sa pagtitinda o pagnenegosyo subalit kailangan na isaalang-alang ang kapakanan at kalusugan ng publiko.

Aniya, may natanggap na silang report sa mga nakaraan na nagiging sanhi ng pagkakasakit ang pagkain sa ‘hepa lane’.

 Binalaan pa niya ang mga opisyal ng barangay na kakasuhan niya ng administratibo ang mga ito kapag pinayagan nilang makabalik muli ang mga nasabing food stalls.

Noong Miyerkules ay sinuyod ng mga tauhan ng Department of Public Services (DPS) at Manila Police District (MPD) ang R.Papa St na tinaguriang ‘hepa lane’.

Ayon kay Task Force Manila Cleanup chief Che Borromeo, masusi na nilang binabantayan ang lugar sa pakikipagtulungan ng mga taga-barangay upang matiyak na hindi na babalik ang ‘hepa lane’.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with