^

Metro

UST law professors sumuporta kay Divina

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
UST law professors sumuporta kay Divina

Isang  ‘manifest of support’ ang ipinalabas ng University of Sto. Tomas law professors na naghahayag ng kanilang panig para kay Civil Law Dean Nilo Divina laban sa alegasyon na may “cover-up” at dapat panagutin sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III. The STAR/Mong Pintolo, File

Sa alegasyong ‘cover-up’ sa Atio hazing

MANILA, Philippines — Isang  ‘manifest of support’ ang ipinalabas ng University of Sto. Tomas (UST) law professors na naghahayag ng kanilang panig para kay Civil Law Dean Nilo Divina laban sa alegasyon na may “cover-up” at dapat panagutin sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Iginiit nila na lahat ng posible at karapat-dapat na aksyon ay ginawa ni Divina nang walang pinaburan o pinagtakpan.

“We have personally witnessed how he has been fair and just to all students, regardless of their affiliation. We know for a fact that he has not hesitated to take action against any student, including members of fraternities, for various infractions or non-compliance with academic requirements,” saad ng manifesto.

Ikinalulungkot umano nila na nadawit si Divina sa kaso ng hazing ng Aegis Juris Fraternity subalit naniniwala sila na  lalabas din ang katotohanan na wala itong dapat na pananagutan sa nangyari.

Samantala, sinabi ni Manila Police District (MPD) director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na isinasagawa na ang electronic device examination ng cybercrime group sa laptop ni Atio para sa karagdagang impormasyon na maaaring magamit sa kaso. Kabilang sa sinusuri ang mga video footage, chats at iba pang maaring maiugnay sa kaganapan ng hazing.

Sumulat na rin ang MPD sa Facebook Philippines para sa mga nakuhang electronic evidence na maaaring ipri­sinta sa korte. Hihingi din sila ng approval sa korte para sa planong gagamiting mga electronic evidence.

Sinabi naman ni MPD Spokesperson Supt. Erwin Margarejo na pinag-aaralan na nila ang paghahain ng “obstruction of justice” laban sa mga abogado na kabilang sa Facebook Messenger chat group noong Setyembre 18, na nagtawag ng pulong matapos na pumutok sa media ang pagkamatay ni Atio.

Magugunita na sa DNA test sa magulang ni Atio, lumabas na positibo ang blood sample na nakuha sa paddle na narekober ng pulisya matapos pasukin at halughugin ang fraternity library na pinagdausan ng hazing kay Atio.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with