^

Metro

Ex-brgy chairman, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang dating chairman ng barangay sa lungsod ng San Juan makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo, kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Nakilala ang nasawi na si Bernildo Ocampo, alyas Totit, 64, dating chairman ng Brgy. San Roque sa San Juan City.  Hindi na siya umabot ng buhay sa Tondo Medical Center habang suga­tan naman ang kanyang kasama na si Pompy Macario.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-4:30 ng madaling araw sa may M. Naval Street, Brgy. Daanghari, ng naturang lungsod. Minamaneho ni Ocampo ang kanyang motorsiklo habang angkas si Macario nang dikitan sila ng mga salarin na lulan rin ng isang motorsiklo.

Nang magkatapatan, dito na pinaputukan ng baril nang nakaangkas na salarin ang mga biktima sanhi para mapuruhan ng bala sa katawan si Ocampo.  Agad namang pinaharurot ng mga salarin ang kanilang motorsiklo at hindi na nagawang masakote ng mga pulis. Blangko pa naman ang pulisya sa motibo sa pamamaslang kung saan inaalam kung may kaalitan ang biktima at ma-ging ang kanyang uri ng trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with