PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pagpapaliban ng Brgy., SK elections dahil sa narco-politics

MANILA, Philippines — Naniniwala si Manila Mayor Joseph Estrada na narco-politics­ ang dahilan ng pagpapaliban ng Brgy. at Sangguniang Kaba­taan­­ elections.

Ayon kay Estrada, posibleng iniiwas lamang ng pamahalaan na magamit ang mga tumatakbo sa barangay at mga kabataan sa anumang  impluwensiya ng bentahan ng droga.

Ani Estrada, malaking pondo mula sa iligal na droga ang ma­a­aring ibigay ng mga sindikato sa mga kandidato para sa kani­lang kampanya.

Mapalad na lamang ang Maynila at walang barangay captain ang sangkot sa bentahan ng droga. 

Wala ring natatanggap na report ang MPD, na may mga laboratoryo ng droga sa lungsod.

Mahigpit ang kampanya ng Manila Police District laban sa iligal na droga kung saan pinaiigting pa ang ‘Oplan Galugad’.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Giit ni Estrada ang narcopolitics ang nais na matanggal ng Pa­ngulong Duterte lalo pa’t kilala ito na galit sa droga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: