Binatilyo lunod sa creek sa kasagsagan ni ‘Maring’
MANILA, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ang isang binatilyo matapos itong maglaro at maligo sa isang creek sa Parañaque City, kamakala-wa ng hapon sa kasagsagan ng bagyong Maring.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si William Inalisan, 16, nakatira sa Saint Jude Gawad Kalinga, Multinational Village, Matatdo, Brgy. San Isidro ng naturang lungsod.
Sa report na nakarating sa tanggapan ng Parañaque City Police, alas-5:45 ng hapon huling nakitang buhay ng kanyang mga kapitbahay ang biktima habang naglalaro at naliligo ito sa Matatdo Creek sa naturang lugar. Kaagad namang ni-rescue ng rescue team ng Philippine Red Cross (PRC) ang biktima at mabilis na isinugod ito sa naturang ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.
- Latest