PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bangkay, huhukayin ng PNP

Kungkinakailangan

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kalilibing lang, kung kinakailangan, hu­hukayin ng mga opera­tiba ng Philippine National Police (PNP) ang sinasabing bangkay ng 14-anyos na  si Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman na inihatid na kahapon sa kaniyang huling hantungan.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Dio­nardo Carlos na depende sa kalalabasan ng imbestigas­yon ang kanilang magiging hakbang kung huhukayin o hindi ang bangkay ni ‘Kulot’.

 “We will take that action    if needed. Depende na po yan sa humahawak nung kaso”, paliwanag ni Carlos.

Sa report, kumukuha na umano ng court order ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para hukayin ang bagong libing na bangkay.

Nang matanong sa bagay na ito, binigyang diin ng PNP Spokesman  na hindi tumitigil ang PNP sa mandato nito na magsagawa ng imbestigas-yon sa kaso.

Una nang inilabas ng PNP-Crime Laboratory ang resulta ng DNA test  na hindi  nag-match sa sample ng tissue ng mga magulang ni Kulot na sina Eduardo Gabriel at Lina de Guzman  ang narekober na bangkay sa Gapan City, Nueva Ecija noong Setyembre 5 bagaman kinilala ito ng ama ng binatilyo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang binatilyo na tadtad ng 30 saksak sa katawan ay nakatakip rin ng masking tape sa kaniyang mukha.

 “Nirerespeto natin yung decision ng mga magulang but at the end of the day may mandato kami na imbesti-gahan yung kaso nung cadaver, hindi ho ba. Sino ba yan, eh may pamilya din yan”, paliwanag pa ni Carlos.

“So at this time, we released the report and if they bury the cadaver, all we have to do is look at the location and make sure the cadaver is there if needed in the ongoing  investigation yung kaso nung cadaver at kaso ni Kulot”,  ayon pa sa PNP Spokesman.

Idinagdag pa ni Carlos na umaasa ang PNP na buhay pa at matatagpuan ang tunay na Kulot  dahilan mas nanaisin ito ng kaniyang pamilya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: