^

Metro

Pamilya ni Kian isailalim sa WPP-VACC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang mga kuwes­tiyon at pagkondena, nadagdagan pa ang mga grupong nagpahayag ng suporta at tulong sa pamil­ya ng pinaslang na si Kian Lloyd Delos Santos sa anti-illegal drugs operation sa lungsod ng Caloocan noong nakalipas na linggo.

Ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption, handa umano silang magkaloob ng tulong-legal sa pamilya ni Kian para matiyak na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng binatilyo.

Ayon kay VACC Spokesperson Arsenio Evangelista, imumungkahi rin nila kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na isailalim ang pamilya ni Kian pati na ang mga gustong tumestigo sa pagpatay kay Kian sa Witness Protection Program.

Sa kabila nito, tiniyak ni Evangelista na suportado pa rin nila ang kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga, pero hindi umano ito dapat nauuwi sa pag-abuso ng mga pulis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with