^

Metro

Murder case vs 3 pulis, isasampa ng pamilya ni Kian

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Murder case vs 3 pulis, isasampa ng pamilya ni Kian

Umarangkada na rin ang isasagawang parallel investigation ng National Bureau of Investigation sa pagkamatay ni Kian Delos Santos kung saan nagsagawa na sila kahapon ng ocular inspection sa lugar kung saan napatay ang binatilyo. Michael Varcas

 

MANILA, Philippines - Inihahanda na ang kasong  murder  na isasampa ng pamilya ni Kian Delos Santos laban sa tatlong pulis na sangkot sa pagkamatay ng binatilyo noong nakalipas na linggo sa Libis, Baesa, Brgy. 160, Caloocan City.

Ito ang naging pahayag ni Public Attorneys Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta sa pagtungo nito sa burol ni Kian kahapon ng umaga.

Sinabi ng PAO chief na hiniling sa kanila ng pamilya Delos Santos ang re-autopsy dahil wala umano silang hawak na kopya ng autopsy report mula sa Philippine National Police (PNP) kaya isinailalim ng PAO Forensic Laboratory ang proseso sa bangkay ni Kian sa pangu-nguna ni Dr. Erwin Erfe.

Nakita aniya ang mga  sugat o trajectory ng 2 bala sa ulo at isa sa likod matapos ang apat na oras na autopsy na ang ibig sabihin ay mismong mga sugat ng binatilyo ang magsasalita bilang ebidensiya habang walang nakitang bakas nang panlalaban.

Ani Acosta, hawak nila ang mga nakuhang basyo ng bala na nagmula sa kalibre 9 mm., kalibre 45 at  kalibre 38 baril at ang tsinelas na suot nang mapatay si Kian.

Nabatid na patuloy  pa sa pagsisiyasat ang National Bureau of Investigation (NBI) habang ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay pumasok na rin para imbestigahan  ang kaso ni Kian.

Dumadagsa pa rin ang mga nakikiramay sa pamilya Delos Santos kung saan namataan din ang pagbisita ni dating Vice President Jejomar Binay.

Samantala, hinamon naman ni Mang Saldy, ama ni Kian, si PNP Chief, General Ronald “Bato” Dela Rosa na magpunta sa lugar nila para alamin ang katotohanan kaugnay sa akusasyong siya ay adik at handa umano siyang sumailalim sa drug test kung hihilingin ng PNP.

Samantala, kung mapapatunayan ng mga testigo na haharap sa nakatakdang imbestigasyon sa Senado na sinadya ang pagpatay sa 17-anyos na estudyante na si Kian hindi lamang kasong  murder ang dapat isampa sa mga ito kundi maging, falsification of public documents at paglabag sa sinumpaang tungkulin ang kakahara-ping kaso ng mga pulis na nagsagawa ng “bloody” drug raid sa Caloocan City. Ayon  ito kay Sen. Chiz Escudero.

Idinagdag pa nito na kung pagbabatayan at paniniwalaan ang pahayag ng eye witness, lumabag umano sa protocol, SOP (standard operating procedure) at sa batas ang mga pulis na sangkot sa drug operation na ikinasawi ni Kian. (Dagdag ulat ni Ellen Fernando)

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with