^

Metro

Clearing operation sa Maynila, tuluy-tuloy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Humingi ng pang-unawa sa publiko partikular na sa mga Ma­nilenyo ang mga opisyal ng lokal na lungsod ng Maynila hinggil sa abalang idinudulot ng kanilang patuloy na pagsasagawa ng clearing operation upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa lansangan.

 Ayon kay MTPB Chief Dennis Alcoreza, patuloy umano silang nagsasagawa ng clearing operation dahil layunin umano nilang mapaluwag ang lansa­ngan sa buong Maynila batay na rin sa mahigpit na kampanya ni Mayor Joseph Estrada laban sa mga illegally parked vehicles at lahat ng obstructions sa kalye na nagdudulot ng matinding pagsisikip ng mga lansangan.

Iginiit din ni Alcoreza na ang mga kagawad ng MTPB ay du­maan sa mga pagsusulit at se­minar upang maging angkop umano sila sa kanilang pananagutan bilang tagapangalaga sa mga lansangan sa lungsod ng Maynila.

Nagbabala din ang opisyal sa lahat ng tauhan ng MTPB na hindi umano ito magdadalawang isip na tanggalin sa serbisyo at sampahan ng kaukulang kaso ang mga ito sa oras na madawit sa katiwalian at iligal na gawain.

Matatandaan na nagpaha­yag si Estrada na ipatutupad nito ang ‘one strike policy’ sa mga traffic enforcers na masasangkot sa pangingikil o anumang iligal na gawain matapos nitong isailalim sa reorganisasyon ang MTPB noong nakaraang taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with