^

Metro

3 pulis dawit sa pagkamatay ng grade 11 student, sinibak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sinibak na sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Oscar Albayalde ang tatlong pulis Caloocan na sangkot sa operasyon na ikinamatay ng 17-anyos na binatilyo noong Huwebes.

Sinabi ni Albayalde na kaagad niyang pina-relieve ang mga pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, at PO1 Jerwin Cruz, inassign sa RPHAU, gayundin ang Police Community Precinct (PCP) commander na si Chief Inspector Amor Cerillo, hepe ng PCP 7; na pan­­samantalang itinalaga sa Regional Police Holding and Accounting Unit para bigyang daan ang gagawing impartial investigation laban sa kanila.

Bukod dito nagbigay na rin ng direktiba si Albayalde sa Regional Investigation Division na makipag-ugnayan sa Internal Affairs Office o IAS para sa isasagawang imbestigasyon.

Inatasan na rin umano niya ang District Director ng Northern Police District na siguruhin ang kaligtasan ng mga kamag-anak ng biktimang si Kian Loyd Delos Santos.

Maging ang Chief of Police ng Caloocan ay inutusan na rin ni Albayalde na magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon.

Sinasabi ng pulisya na nanlaban ang biktima at nagpaputok ng baril kaya nila pinapu­tukan ito subalit base sa kuha ng CCTV ay nakitang hawak ng dalawang pulis ang braso ng biktima. 

Kasabay na rin nito, inutos ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang masusing imbestigasyon sa mga kontrobersyal na police operations na nangyari sa Biñan La­guna at sa Caloocan City. Ayon kay Dela Rosa, hindi niya palulusutin ang kanyang mga tauhan­ kapag nadiskubre na umabuso sila at papana­gutin niya sila lalo na kung mayroong mga ebi­den­siya na magdidiin sa mga pulis. (Gemma Garcia at Ludy Bermudo with trainee Engrid Genova)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with