^

Metro

10 bus terminal sa QC ipinadlak ng MMDA

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sampung bus terminal sa kahabaan ng Edsa, Quezon City ang ipinadlak kahapon ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) dahil sa hindi pagsunod sa panuntunan ng ahensya at paglabag sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lungsod.

Mismong si MMDA Chair­­­­man Danny Lim ang nanguna sa operas­yon­, ka­tuwang ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Quezon City BPLO dakong ala-1:30 ng tanghali.

Ang mga ipinadlak na terminal ay kinabibila­­ngan ng Jac Liner, Philtranco, DLTB Company, Five Star Liner, Panga­sinan Cisco, Golden Bee, First North Luzon, Amihan Bus Lines, Lucena Lines at ES Transport terminal­ na pawang nasa kaha­baan ng Edsa, Quezon City.

Sinabi ni Lim, isinara nila ang mga naturang ter­minal dahil sa hindi pagsunod sa ipinatutupad nilang ‘Nose In, Nose Out policy’ at ordinansa ng local government unit.

Tiniyak ni Lim na babantayan ng kanyang mga tauhan ang mga ipinadlak na terminal upang hindi na magamit muli ang mga ito.

Magugunita noong na­kalipas na linggo ay apat ding bus terminal sa Edsa-Pasay City ang ipinadlak din ng MMDA dahil din sa kahalintulad na paglabag sa batas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with