PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Building maintenance nahulog, pisak sa elevator

MANILA, Philippines - Isang building maintenance ang patay nang mahulog at maipit sa ginagawang service elevator ng isang condominium tower sa Parañaque City kamakalawa.

Patay na nang matanggal sa pagkakaipit ang biktimang si Henry Villafranca, 53, at residente ng Block 11, Lot 3, Brgy. San Andres, Dasmariñas City, sa Cavite, sa gilid ng elevator.

Batay sa ulat nina SPO2 Israel Perez at SPO1 Walter Dulawan ng Parañaque City Police, dakong alas-8:30 ng gabi ng Biyernes nang maganap ang aksidente sa service elevator ng Washing­ton Tower condominium na matatagpuan sa Brgy. Don Galo.

Nauna rito, tumirik ang naturang elevator sa pagitan ng ground floor at ng basement 1 kaya’t umakyat ang biktima sa ibabaw ng car elevator upang tingnan kung ano ang problema at ayusin ito.

Ayon sa bayaw ng bik-ti­ma na si Arturo Abriza, ina­ayos na ni Villafranca ang problema nang big­lang umandar ang elevator kaya’t nahulog sa gilid na una ang  ulo.

Dakong alas-5:30 na ng madaling araw nang Sabado tuluyang natanggal ang biktima sa gilid ng kaliwang bahagi ng elevator ng mga miyembro ng Parañaque Rescue Team at kinailangan pang gumamit ng metal cutter. Nakuhang nakatiwarik ang biktima dahil sa tinamong mga injury at bali-baling tadyang.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Umaapela naman ng tulong mula sa condominium ang pamilya ni Villafranca, na siyang breadwinner ng pamilya.

Tiniyak naman ng ma-nagement ng condominium na handa silang pagkaloo­ban ng kaukulang tulong ang pamilya ng biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: